Tagay na Tayo sa Sugbo!

2nd PAU Tagaytay to Nasugbo 50k Ultramarathon (PAU T2N)

UltraYeen Powered by RC Cola

Nasugbo Wasakang Wikend Part 1 of 2. Araw ng Sabado tumakbo ako Tagaytay papuntang Nasugbo. Kinabukasan bumalik uli ng nasugbo umakyat ng batulao. Tingnan sa hiwalay na post dito

November 14 last year ginanap ang unang PAU T2N. Andoon ako pero bilang isang support lamang. Hindi ko lubos akalain na sa susunod na edisyon ay ako na pala ang tatakbo. Sinamahan ko ang aking grupo na Team Kamote Runners na isupport ang aming 2 manankbo na sina papa H at carl. Naisipan ko sa mga panahon na iyon na tumakbo rin kasi binubuyo ako pero naisip ko na hindi pa ako nakatakbo ng ganon ka layo. Ang pinakamalayo ko sa mga panahon na iyon ay 42k lang. Kagagaling ko lang bakasyon ng week na yon kaya ngbakasyon nalang ako kasama ng mga klasmates ko sa UP. Isa rin sa mga dahilan kung bakit hindi ako tumakbo sa araw na iyon kasi laban ni manny pacquaio at margarito kung saan ako isang die hard pacman fan. Kaya sa Salomon nalang ako tumakbo sa Subic ng sabado at ng nakabalik na Manila ay dumerecho agad ng Tagaytay. Natulog lang ako ng natulog habang sa sasakyan halos sa lahat ng oras nung tumatakbo sila.

Ngayong taon, hindi na kailangan tanungin ng mga tao sa pagkakataon ito kung tatakbo ako ng T2N. Lets get it on T2N!

Early Bird
Galing sa opisina ay hindi na ako umuwi ng bahay. Doon na kami ngkita-kita sa bahay ni ate glow para makahanda kami ng mga gamit at maaga ang alis namin. Natulog na kami mga past 10 at gumising ng mga alas 2. Dumating kami doon 3:30am pero parang tahimik pa. Hindi gaya ng last year na dumating na kami mga 30 mins before gunstart, wala na kaming mahanap na parking at panic mode na masyado. Buti nalang maaga kami. Unti-unti na dumami ang tao at parami na rin ang aking nakikitang familiar faces. Umabot sa 200+ ung mga runner. Pgkatapos kunin ang bib ay nghanda na kami para sa simula.

Slow Start
Pinauna muna namin ang ibang runners para hndi walang pressure. Mga 5-10 minutes pgkatapos ng gunstart ay doon lang kami ngsimulang tumakbo. Mga 30 minutes ata kami baga umabot ng junction mula peoples park. May 4-5km ang layo noon kaya medyo mabagal talaga. Pero ok lang yon kasi wala naman kaming stretching or warm-up. Kita ang ganda ng lake taal habang sumisikat ang araw. Unti-unti rin namin naabutan ang mga runners na nasa huli.

Starting Line

Negative Split
Umabot kami ng 20k mga 2 hours 30 mins kung saan medyo mabilis ito sa game plan. Pero ok lang kasi medyo relax nman ang pace namin. Paunti-unti na rin ang naabutan naming mga runners at ung iba ngsimula na rin mglakad. Lagi kaming sinasabihan ng support namin na bilisan kaya napressure kami at minsan pumalo ang bilis namin ng 6-6:30 minutes per kilometer. (Linoloko lang pala kami na mabagal kami, lakas talaga ng trip).

Tagaytay-Nasugbu Boundary

Sure-Port
Napapawi ang pagod pag may mga support na ngchecheer at ngaalok ng tubig. Masaya ang spray ng USB kaya nakakpresko ito sa mukha. Marami din ang ngchecheer na taga ibang running group kagaya na HOB ay CB. Marami din salamat sa mga pinagkukunan ko ng pagkain ang team KTT, TKR kong mahal at ang aming HBK support na si Ate Glow at Dyep.

Waking Lauging Running

Target na oras namin ay 7 hours to 7 hours 30 minutes. Dumating kami ng 7 hours 15 minutes. Medyo pinagalitan pa nga ako kasi pinipigilan ko ng konte tuwing lumalakas ang takbo namin. Kaya pa naman yon maging maganda ang time pero ang inaalala ko lang ay hindi pa siya nakatapos ng ganun kahabang takbuhan.

Congrats sa bagong Ultra-Runner ng Heartbreakers!;))

With bald runner and HBK Support Jeff, Ate glo, KB

Special Thanks

Ate Glow
Dyep Tones
KB runner
TKR Family
Bave, jinky & KTT
Mommy Eve & HOB

CB
USB
Intensity
Boring

Official Results at Bald Runners
TKR T2N Report at kamotes blog

About boypraning

ako si boy praning!
This entry was posted in Race Report and tagged , , , , , , , . Bookmark the permalink.

Leave a comment